Tuesday, April 1, 2008

Mga Saloobin Ng Isang Gamo Gamong Alipin

Pag minalas ka nga naman, dalawang pares ng kaliwang tsinelas ang sumalubong sayo sa bughaw na langit na umiiyak pakiwari may sinasabing may bukas na naghihintay. Napaisip at namulat sa walang hanggang kalyeng kelangang lakarin patungo sa gusaling bumubuhay sa aking kamalayan bilang manggagawa. Pero isang baso ng sandok at dalawang plato ng kutsara ang nag iwan sa aking kumukulong sikmura para talikuran ang realidad ng kahapon na nagbabadyang may unos pang darating. Kung ano man yun, may pagbabagong kelangan harapin at mga bagay na di maiiwasan para madatnan ang dapat kalagyan sa tamang oras at panahon.


Umaambon, umuulan, tila walang katapusan. Luntian na araw at basang mga dahon tila parang kelan lang. Walang tigil ang unos sa pusong pahapyaw na nasasaktan. Bat' ba to nagkaganito? ito ba ang buhay? bat kba' umiiyak? bat mo ba pinipilit abutin ang mga tala na pilit lumalayo sa'yo. Dapithapon na, unti unting nabubulag ang kapaligiran patungo sa natutulog na gabi, di man lang nakausap.


Ika tatlumpot pitong gabi ng nakatitig sa teleponong walang kable, naghihintay ng sagot. Tatlong araw at isang oras ang lumipas pa, hanggang kelan ba? O maghihintay p ba? Andyan ka p ba? Nauuhaw sa isang dipang balon'g ikaw ang nagbibigay ng liwanag. Para akong isang aninong di mo nakikita't di mo napapansin. parang hangin na pilit dumadampi sa iyong mga pisnging umiiwas. Gusto kung pumasok sa puso mong kinandado ng baluktot at makitid na pag iisip. Pano b kung wala ka? May umaga pa kaya? Di ko ata kaya mabuhay sa mundong di umaaraw ah.


Alipin ka man ng pagkakataon at nakagapos sa kahapon..

Wala ka ng magagawa kundi tanggapin ang kamalasang, minsa'y sumasabay sa ikot ng buhay kaya kanta ka na lang at sumabay,


'waitin tomorrow.. there's a blue sky'

No comments: